NATION-BUILDING AND NATIONAL ELECTIONS - C: 4th Sun in OrdTime
- Rex Fortes
- Jan 26, 2022
- 3 min read
First Reading: Jer 1:4-5, 17-19 (30 January 2022)
“Before I formed you in the womb I knew you; before you came to birth I consecrated you; I have appointed you as prophet to the nations” (Jer 1:5).
There are two salient things in this call of Jeremiah. First, the vocation of Jeremiah is from the Lord himself, who had formed him in his mother’s womb, knew him well, and purposely consecrated him to be a prophet to the nations, particularly during the reigns of the Judeans kings Josiah and Zedekiah (v. 3). It was in this period that Jerusalem was at the verge of falling into the hands of the Assyrians/Babylonians, who had earlier conquered the Northern Kingdom of Israel two centuries ago. Jeremiah was commissioned to inform these leaders to avoid this looming national catastrophe. Sadly, his words were not heeded as Jerusalem fell to Nebuchadnezzar in 586/587 BCE that led to their fateful deportation and exile in Babylon.
Second, Jeremiah’s divine task involved the participation of the people, enjoining them not to break God’s commands or they would be broken down by their enemies (v. 17). Thus, the responsibility in nation-building lies in the cooperation of the masses by valuing, respecting, and putting to heart his precepts.
Nonetheless, Jeremiah prophesied to them that their enemies “shall not prevail against you, for I am with you, says the Lord, to deliver you” (v. 19).
Put in the Philippine political context, it can be said that the way to build the Philippine nation is to collectively discern God’s laws vis-à-vis the actual situation of the Filipino people. At the threshold of the national elections this May 9, we are also challenged like the Israelites to work together in setting right the leadership and governance of our land. Below are suggested guidelines in selecting the next President and Vice-President in the upcoming elections, which resulted from the communal discernment of select Filipino Vincentians that I put into words:
1. Naninindigan laban sa War on Drugs at extrajudicial killings ng nakaraan rehimen.
Pinaglalaban ang karapatang-pantao ng lahat, lalo’t higit ang hustisya ng mga biktima nito.
May paniniwala na hindi ang pagkitil ng buhay ang solusyon sa pagsupol ng salot na droga,
Bagkus ito’y sumasalamin lamang sa malawakang kahirapan ng nakarararami sa lipunan.
2. Walang bahid ng korupsyon at pagpapayaman ang track record ng serbisyo sa gobyerno,
Sampu ng kanyang pamilya, malalapit na kaibigan, at kaalyansang politikal.
Mababakas sa personal na buhay ang payak na lifestyle at pamantayan ng pagpapalakad.
At bukas ang talaan ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth sa publiko.
3. Pinaglalaban ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas sa lahat ng pagkakataon,
At pinahahalagahan ang diwa ng EDSA Revolution na nagsulong at nagpayabong nito.
Iginagalang ang due process of law nang 'di pinangungunahan ang mga hukom ng bayan,
At pinapanagot ang lahat ng nagkasala upang mapangalagaan ang integridad ng sambayanan.
4. Dinedepensahan ang halaga’t kabanalan ng buhay at ang pagkatao ng bawat Filipino.
Tumututol sa mga pang-aapi, pang-aabuso, at pagpaslang ng maliliit na sektor ng lipunan.
Isinusulong ang pantay na hustisya nang walang pagtatangi sa mayayama’t maimpluwensya.
Lumalaban sa sistematikong pagluray ng dangal na mabuhay nang malaya, patas, at payapa.
5. Walang kaugnayan sa diktaduryang Marcos na nagpalubog sa bayang Pilipinas sa utang,
Sa dalawang dekadang nagpayaman sa iilan samantalang pinasakitan ang mga tumuligsa nito.
Hindi sumasang-ayon sa kamay na bakal ng pamahalaang Duterte na nagdulot lang ng takot,
Lumuray sa demokrasya, nanamantala sa mahihina’t naglustay sa kaban ng yaman ng bayan.
6.Nangangakong isusulong ang kasarinlan ng Inang Bayan laban sa mga dayuhang mananakop.
Itinataguyod ang dignidad ng Pilipinas sa kabila ng pagbabangayan ng mauunlad na bansa.
Gumagalang sa mga pandaigdigang batas na nag-uugnay at nagbubuklod sa mga pamayanan.
Na may pagkiling sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers at mga nangingibang-bayan.
7. Kumokondena sa anumang patakarang anti-poor sa panahon ng pandemya, krisis, at sakuna,
At sa mali at mapagsamantalang paggamit ng pondong medikal para sa kapakanan ng iilan.
Nagsasaalang-alang sa kaligtasan ng lahat, hindi lamang ang pagpapayabong ng ekonomiya.
Nagmalasakit sa maliliit na sektor na nawalan ng trabaho’t makakain sa gitna ng lockdowns.
8. May respeto sa kalayaan ng lahat na pumili ng kandidatong iboboto nang walang pagpilit,
At 'di gumagamit ng guns, goons, and gold upang manalo o makaimpluwensya sa bilangan.
May malinaw na plataporma de gobyerno na inilalahad sa kampanya nang bukal sa puso.
Isasakatuparang ang mga pangakong 'di mapapako taliwas sa gawa ng traditional politicians.
9. Hindi parte ng dinastiya na nagluklok sa pwesto sa iisang pamilya sa mahabang panahon.
Tumututol sa anumang kalakarang magpapalaganap ng nepotismo sa gobyerno.
May talino, katapatan, at kakayanang mamuno bilang lider labas sa apelyidong tangan.
Bantog na 'di magtatalaga ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa panahong mahalal.
10. Kilalang may takot sa Diyos at pinaglalaban ang hiyas ng Kristiyanismong moralidad,
Na may pagkalinga sa pamilya, paggalang sa dignidad ng tao’t pag-aaruga sa kalikasan.
Nagsasatinig sa lugmok na kalagayan ng mahihirap, naaapi’t napapabayaan ng pamahalaan.
May tapang na tumindig laban sa mali at bigyang pag-asa ang mga nasa laylayan ng lipunan.
- Rex Fortes, CM
Comments